Kyou Kara Maou-God Save Our King!
Monday, September 17, 2007
Sayaw Interpretasyon
Unang-una sa lahat, may trophy kami! Kahit na third place lang, ayos na yun. Nagulat nga ako e. Tsaka balita ko fourth place naman yung Papaya namin nila Non at Kim e. Sa totoo, nagulat ako sa results. Inexpect ko ang Grav or Elec na pumuwesto. Expected na rin ang Photon pero not as the winners. I saw them placing 3rd or 2nd after Grav e. As usual, Tau placed. Okei lang. Parang may mas magaling nga lang sa kanila. Para sa akin ha.
Ako yung nagbasa nung intro. Nakakatuwa. Pero nagbasa naman ako sa dilim. Buti na lang ako rin gumawa nu'n. Kaya medyo naiintindihan ko. At pencil pa yun ha. And weird ang buhok ko kanina. Binaboy ni James. Pero okei. Super Saiyan ang dating. Buti na lang natanggal ko (sort of) bago umalis. Mahirap mag-commute nang nakatingin sa'yo lahat ng tao tsaka tinutusok-tusok mo ang katabi mo.
Anyway, nagulat ako sa ginawa namin kanina. Nagsayaw kami. And nilaglag kami ng Gluon! But that's fine. We all enjoyed naman e. And it started the string of 'surprise performances' mula sa iba't ibang tao. But I'm satisfied with Gluon. Okei na yun. Ngayon lang pumuwesto sa ganito ang section ko ha. Mula first year.