Kyou Kara Maou-God Save Our King!
Saturday, June 16, 2007
Saturday, June 16, 2007
Story na Gawa ni..
Dannielle Nichole T. Mariño (Rb)
Blah
“Asan ako? Parang kakaiba ata ang lugar na ito a. At bakit napakabuti ng pakiramdam ko ngayon?”, namamanghang sabi ni Osama Bin Laden habang nakahiga sa isang kamang malambot at mabango. Ang huli niyang natatandaan ay nagpadala siya ng video sa media kung saan mabagal ang kanyang pananalita, hindi maigalaw ang kanyang kaliwang kamay at mukhang hinang-hina na siya.
May mga pumasok na magagandang mga nilalang sa kwartong kanyag kinalalagyan.
“Sino kayo?”
“Kami ang gumamot at nag-alaga sa iyo. Dinala ka nalang namin sa tahanan namin kasi iniwan ka na ng mga kasamahan mo sa kabundukan.”
“Akala ko pa naman, tapat sila sakin. Pati ang sarili kong anak, nagawa akong iwan”
Habang nag-uusap, napansin ni Osama na hindi ordinaryo ang mga kinakausap niya. Kumikinang sila. Napansin niya rin na may pak pak sila noong may isa sa kanila na kinailangang umalis sandali. Kakaiba rin ang pagkaing binigay sa kanya, maliit lang pero pakiramdam niya ay lumalakas at bumabata siya sa bawat kagat.
“Pasensiya na pero anong klaseng mga nilalang kayo at nasaan tayo ngayon?”
“Di pa pala kami nagpapakilala. Ako si Jetro, ang panganay sa aming magkakapatid. Ang katabi ko ay si Cephira, ang bunso kong kapatid. At kapatid kong kaaalis pa lamang ay si Xenon. Kami ay mga Plutairies na nakatira sa isang dimensyon ng Pluto.”
Sa isip ni Osama ay sinasabi niyang, “ nananaginip ba ako?”. Di siya makapaniwala sa mga naririnig at nakikita niya. Narinig niya na ang tungkol sa mga fairies at aliens, pero hindi man lang sumagi sa isip niya na pwedeng mapagsama ang dalawang klase ng nilalang.
“Maaari ba muna ako umalis dito?”
“Kung gusto mo, ipapasyal ka pa ni Cephira.”
Pinasyal nga ni Cephira si Osama sa lugar nila at ipinakilala sa mga tao roon. Inilarawan ni Cephira ang bawat landmark at bagay na madaanan nila. Si Osama naman ay nakikinig nang mabuti para makahanap ng paraan para makaalis siya sa planetang iyon.
Hindi napapansin ni Osama na malagkit na ang tingin sa kanya ni Cephira. Nakatutok kasi siya sa mga nadadaanan nila. Ganito sila hanggang sa makauwi.
Sinalubong sila ni Jetro sa pintuan ng kanilang tahanan na tila isang kakaibang bulaklak na nakataob at punong puno ng mga diyamante.
“Pumasok na kayo. Maghahapunan na tayo. Espesyal ang pagkain natin ngayon.”, masayang pagbati sa kanila ni Jetro.
Pumasok na nga si Osama at naiwan naman si Cephira. Kinakausap nito ang kanyang panganay na kapatid.
“Jetro, gusto ko talaga siya. Wag mo na siya paalisin... Ipakasal mo nalang kami.”
“Pakikiusapan ko siya mamaya.”
Hapunan na. Nagkwenkwentuhan sila.
“Bakit kaya kailangan ko pang bantayan ang pesteng pintuan na iyon?!?! Wala namang nasa likod nito.” Naisingit ni Xenon sa kanilang usapan sa sobrang pagod. Napatigil si Osama sa pagkain at naisip na baka doon ang lagusan pabalik sa mundo. Natatandaan nia na may nadaanan nila ni Cephira si Xenon at isang pinto. Hindi niya lang maalala ang itsura.
“Maiba nga ang usapan. Osama, tutal para ka rin namang pamilya ay maaari mo bang pakasalan si Cephira?” nakangiting tanong ni Jetro.
“Nako. Sapat na po ang tatlo kong asawa sa earth.” Walang diperensiya kung madaragdagan pa ang kanyang mga asawa pero naisip niya na hindi na siya makakauwi kung papayag siya. May utang pa sa kanya si Bush.
“Hindi pwede! Kailangan mong pumayag!” pasigaw na sagot noi Jetro. Si Cephira naman ay umiiyak at tinatahan ni Xenon.
Tumakbo si Osama palabas at susubukang hanapin ay pinto. Hinabol siya ni Jetro na walang ideya na hinahanap ni Osama ang pintuang maaring daan niya palabas sa Pluto.
Maraming nalaman si Osama sa usapan ng magkakapatid noong hapunan. Napansin niya na medyo uto-uto at slow si Jetro kaya pinagsamantalahan niya ang katangiang ito dahil napakabilis tumakbo ni Jetro.
“Sa likod mo!”, sigaw ni Osama habang nakaturo sa likod ni Jetro. Gaya ng inaasahan ay napatingin si Jetro. Matagal bago naisip ni Jetro na niloko siya ni Osama.
Nakalayo na si Osama. Ginagamit na ni Jetro ang kanyang pakpak. Mabuti na lang, nakita na niya ang pinto. Binilisan niya ang pagtakbo. Nakapasok na rin siya sa pinto.
Nasa isang kwarto siya na ang ayos ay nakasanayan niyang ayos ng mga kwarto sa earth. May isang bintana na kitang-kita ang labas. Nakikita ni Osama ang mga halaman at mga ibon sa labas. Ang problema ay isa lang ang pinto.
Hindi niya malaman ang gagawin nang may kumatok sa pinto.