<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=2510236921371027760&amp;blogName=imj&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fimjsf.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fimjsf.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Kyou Kara Maou-God Save Our King!

Saturday, June 16, 2007
Thursday, June 14, 2007
Horror Story Ko

Kabubukas pa lamang ng ikaapat at huling taon ni Karina sa Pisay, o Philippine Science High School noongLunes naiyon. Baskas sa kanyang mukha ang magkahalong lungkot at saya sa oagbubukas ng isang bagong taon sa buhay Pisay niya.
Bagong buhay Karina, kaya mo ‘yan. Forget everything, okay, bulong ni Karina sa kanyang sarili habang mag-isang tinatahak angmadilimnapasilyo ng 4th floor ng SHB, isang building saloob ngcampus. Patungo sa TechSkills room upang kausapin angdatinggurongsi Bb. Monica Javier, naaninag ni Karina angisang aninong naglalakadmula sa tagongpasilyong kinaroroonan ng Music room at tambakan ng mga lumang librong di nalalayo sa kuwarto. Mulingbumalik anglagim ng nakaraan atkumalat angkilabot sa buo niyang katawan. Ngunitmuli siyang nakahinga nang maluwag nang naaninag niya angmukha ng isang freshmannasatimplangmukha’y mapaghahalatnagnaliligaw. Nang siya’y makita ng bata, lumapit ito kay Karina at nagtanong.
“Ate, puwedengmalamankung nasa’n yungEarth Science room?”
Akma nang sasagutin ni Karina angtanong nangmasulyapan niya ang hawak-hawak nito sa kaliwang kamay. Pamilyar iyon. Ni hindi niya na kailangan ng isa pang sulyap upangmakumpirma ang kanyang hinala. Hindi siya maaaring magkamali.
Hindi. . . hindi. . . hindi.. .
Sa isang iglap, hinablot ngdalaga anghawak-hawak ng bata. Matulin siyang nakatakbo bago pa man nakapag-react ang gulat na bata. Lumuluha siyang tumakbo pababanggusali.Lumuluha. Natatakot.
Takbo! Takbo! Takbo! ‘Wag kang lumingon!
Unti-unting naglaho ang paligid at nahulog sa kawalan ang tumatakbong si Simon.
Isang tawa. Isang napakalakas na tawa. Tawang galing sahukay.
Tumatagaktak ang pawis ni Simon pagmulat ng kanyang mga mata. Naramdaman niya ang lambot ng kama’t init na dulot ngkumot na bumabalot sa buo niyang katawan.
Panaginip lang pala.
Muli. Panaginip na naman. Ano ba ‘to? Matagal na ‘tong tapos. Babalik pa ba siya?
Alas-kuwatro pa lang ng umaga’y di na muling nakatulog pa si Simon. Nakahiga lamang siya’t nakatingin sa kisameng di naman maaninag dahil sa dilim na bumabalot sa buong kuwarto. Binuksan niya ang ilaw at minasdan ang repleksyon niya sa salamin. Kitang-kita sa kanyang damit ang bakas ng pawis na dumikit dito at mamamasdan sa kanyang mukha ang pagtulo ng pawis. Malagkit. Malamig. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
“Sige, punta na ‘kong rehearsals. Online ka mam’ya, ha.” Si Simon, bahagya pang namamaos ang kanyang boses. Isang linggo pa lang ang nakakaraan.
“Sure. Pero, okay ka na ba talaga? Kaya mo bang kumanta? Mam’ya mamaos ka lalo. Magagalit si _” napatigil si Karina nang mapansin niyang yumuko ang kaibigan. “Sorry.”
“Wala yan. Sige na, latena’ko,” nakayuko pa ring tugon ni Simon.
“Wagkangiiyak du’n.”
“Di a.”
“O fine, ba’la ka. Sige na late ka na,” sabi ni Karina. “Late na rin ako may Astro ngayon.”
“Online ka, ha. Sign mona rin ako sa Astro.”
“Oo, kulit mo. Oi, we’ll visit Aldrine this weekend ha. Dadalaw din daw sila Tita.”
Dire-diretso si Simon papanhik sa 4th floor,sa Music room. Malamang siya na lang yung hinihintay du’n. Nauna na si RJ, pati si Alyssa. Kakatext pa lang ni RJ na silang dalawa na lang ni Michelle yung kulang. Si Aldrinepa.
“Sori, Miss. Late ako.”
“Sanay na ‘ko,” pabirong sabi ng gurong si Miss Letty Crisostomo.” Nga pala, may extension ka Simon ha. Itono mo yung mga bagong gitara. Ikaw na lang marunong e.” Napayuko kapwa sina Miss Letty at Simon. Ako na lang marunong. Wala na si Aldrine.
Magaalas-sais na nang matapos si Simon sa kanyang ginagawa. Nauna nang umuwi si Miss Letty kaya’t nang umalis na siya sa kuwarto’y siya nal amang ang tao sa floor na iyon. Matapos ikandado ang kuwarto’y naglakad na papuntang hagdanan si Simon. Kaunting liwanag lamang na lang ang nalalabi ‘pagkat palubog na ang araw.
Nang nasa paanan nang hagdanan ay kinapa ni Simon ang cellphone sa bulsa upang i-text si Karina kung nasa school pa ‘to. Wala. Naiwan niya pala sa ibabaw ng piano. Nasa dulo ng pasilyo, katabi ng Music room, ang switch ng lahat ng ilaw sa corridor na iyon, at wala nang liwanag na tumatagos sa pintuan ng Music room kaya’t kinailangang lakarin ni Simon ang buong pasilyong iyon habang nababalot ng dilim. Naalala niya ang sunud-sunod niyang mga panaginip. Tumayo ang mga balahibo niya sa katawan at nagsimulang maglaro sa isipan niya ang iba’t-ibang mukha at hitsura ng mgamultong maaaring sumulpot nang bigla sa harap niya.
“O Simon tigilan mo yan. . . Tigilan mo. . .stop. . .wala yan. . .”
Unit-unti nang nagtatayuan ang mgabalahibo niya sa katawan.
Maraming rumors ng batang multo sa 4th floor. Lalo na sa may Music corridor, sa dulo.
“Rumors...rumors nga e. . .kanta na lang. ..”
Nakarating na siya sa tapat ng Music room, ngunit hindi niya mahanap ang tamang susi.
“I’m tired of rumors starting...I’m sick of being followed...”
Followed daw o...May sumusunod sa’yo. . .Yung batang multo. . .nasa likod mo na. . .Isusunod ka na...
BAAAAGGGGG!!!!
“AAAAA!!!” napasigaw si Simon sa gulat at takot. Nanggaling ang ingay sa tambakan ng mgalibro sa di kalayuan. Sa wakas ay nahanap niya na rin ang susi. Agad niyang binuksan ang kuwarto’t kinuha ang naiwang cellphone. Dali-dali niyang ini-lock muli ang pinto.
Ano yung bumagsak...ano yun.. .yung multo na yun. . .inaabangan ka niya, bulong ng isang bahagi ng isip ni Simon habang naglalakad palabas ng madilim na pasilyo. Nanginginig na ang buo niyang katawan sa takot.
“Kasalanan mo yan. Nood-nood ka diyan ng horror. Yan tuloy napapala mo,” bulong niya sa sarili.
Patakbong tinahak ni Simon ang natitirang bahagi ng madilim na pasilyo. At pagliko niya sa papunta sa hagdanan, tumambad sa kanya ang ilang librong nagbagsakan mula sa lumang tambakan.
“Ito lang pala,” sabi ni Simon sa sarili habang kalmadong ibinabalik ang mga nalagla nalibro.
May isangbagay na tila may magnetismong umakit kay Simon sa dami ng mga libro doon. Isang lumang music composition notebook. Pinulot niya iyon at binuklat ang unang pahina. EMMAN ang pangalang nakasulat sa ilalim ng unang pahina. Habang inililipat ni Simon ang mga pahina, bigla-biglang may malamig na hanging dumampi sa kaliwang pisngi ng preokupadong binata. Sa di niya maipaliwanag na dahilan, naramdaman ni Simon na tila may dalawang matang nakatitig sa likod niya. Muling nagtaasan ang mga balahibo sa kanyang katawan. Unti-unti siyang lumingon sa kanyang likuran. Hinanda na ni Simon ang isang sigaw na tatawag sa kunsinong taong makaririnig nito at tutulong sa kanya kunsakaling mayroon nga siyang makita
Multo.. .wag po.. wag...wag...
“BOO!!!HAHAHA!!!” boses ng babae. Si Karina lang pala.
“Tinakot mo ‘ko!”
Tumayo si Simon mula sa kinauupuan tumungong muli sa hagdanan. Dala niya sa kaliwa niyang kamay angnotebook na napulot niya. Bago tuluyang bumaba ng hagdanan, tilamay nasulyapan siyang isang batang nakatitig sa kanya. Maputla. Galit. Galit na galit. Parang kilala niya iyon. Oo, kilala niya iyon.
Doon na nagsimula ang kababalaghang tuloy-tuloy na sumunod kay Simon maging hanggang sa kanyang panaginip.Gabi-gabi mula noong mapulot niya ang notebook,dinadalaw siya sa pagtulog ngmgaungol ng paghingi ng tulong. Sa tuwing mapag-iisa siya kahit saan sa Pisay,nakararamdam si Simon ng isang presensiyang nagdadala ngkilabot sa kanyang mga kalamnan. Bigla-biglang may malamig na hanging hahalik sa kanyang pisngi. At sa tuwing pakiramdam niyang may nakatitig sa kanyang likuran, malalaman niyang wala naman doong tao.
Noong una’y inisip niya pang si Aldrine lang iyon. Nagpapapansin lang. Minsan nga’y kinausap niya pa ito.
“Aldrine naman. Alam mo namang ayaw ko niyon e. Wag naman.”
Ngunit unti-unting naging bayolente ang mga pagpaparamdam. Maaaring yung bata na ito.
BAAGG! May librong bumagsak.
BOOGGG!! May natumbang kunganuman.
DUGG!!DUGG!!DUGG!! May tumatalbog nabasketball.
Sinasabayan paito ngmalamig nahangin at mga matang naktitig.
At sa tuwing siya’y lumilingon..
Walang kahit ano.
Nagsimula naring manakottalaga angmulto, senyales na hindi ngaito si Aldrine.
Bubukas ang gripo sa CR. Sino yun.. .Ikawba yan...Bat?
Nag-flush angtoilet mag-isa. Naman e.. Two months na. . .Bakitngayon lang.. .
Bumukas ang pintong nakasara. Ayoko n.. .Hindi ba ikawyan.. Iba ba yan. . .
Namatay ang ilawna bagong palit lamang. Wala lang yan. . . Wala..
Lilingon sa likuran. Wag kang sisigaw...wag..
Wala. Hindi siya ito. Yung bata ba? O iba pa?
“Dati kong estudyante si Emman. Matagal na, pero tandang-tanda ko pa,” simula ni Miss Letty. Tahimik na nakikinig sa guro sina Karina at Simon. Hapon na at mamamasdan sa langit ang nagbabadyang pagbuhos ngulan. Madilim. Nakaupo ang guro sa harap ng piano habang nasa gilid niya ang dalawang estudyante.
“1991 noon, unang taon ko dito sa Pisay. Sa simula pa lang, magaan na ang loob ko kay Emman. Bukod sa napansin ko ang husay niya sa larangan ng musika, napansin ko rin ang buti ng kanyang kalooban. Mas naging malapit pa ako sa kanya nang nalaman kong ang ina niya ay ang dating sexy star na si Monique Diaz. Kaibigan ko si Monique mula high school hanggang mga 2nd year college. Nu’n siya tumigil at naging sexy star. Mga 1970s siguro yun. Mabilis din siyang nalaos pero di nakami nagkita mula no’n.
‘Sa akin siya naging malapit at di ko maitatangging siya ang paborito kong estudyante noon.” Umihip angmalakas at malamig na hangin mula sa nakabukas na mga bintana ng Music room habang unti-unting pumatak ang ulan. Tumayo si Karina at lumapit sa mga bintana upang isara ang mga ito.
BAAGG!
Sa lakas ng hangin, sumara ang pinto ng kuwarto at sa gulat ay napasigaw nang bahagya si Karina. Dali-dali siyang bumalik sa kinauupuan. Patuloy na umihip ang malakas na hangin. Nagpatuloy si Miss Letty kasabay ng ingay ng ulang patuloy na bumabagsak.
“Naging member din siya ng Himig. Madalas ay nagtatagal siya dito upang hintayin ang kanyang nanay na sunduin siya. Pero tandang-tanda ko pa ang isang araw na di niya ito ginawa.”
“Miss soridi ako puwede ngayon. Tumawag si Mama, di raw niya ko masusundo. Nasa doctor siya ngayon, confirmed daw one-month pregnant na siya!” masiglang sabi ni Emman. Buwan noon ng Hunyo. Bakas na sa langit ang pagpapalit ng liwanag at dilim.
“Congrats! Di bamatagal mo nang hinihintay ‘yon?!” masayang tugon ng gutong abalasa pagchecheck ng mga test papers. Iniangat niya ang kanyang mukha’t sa gulat ay nakita ang paboritong estudyante. Wala ang ulo nito.
“AAAAA!!!”
“Noon pa lang, kinabahan na ‘ko. Pero paglipas ng ilang linggo, nalimutan ko na iyon. Naalala ko na lang ‘yon ulit noong namatay na nga siya. Ayon kay Monique, Enero noon at galing sila noon sa Cavite kasama ang stepdad ni Emman pabalik sa bahay nila sa Manila,” napatigil ang guro nang magsarahan ang mga bintana. Bakas sa mukha niya ang kaunting takot.
“Baka hangin lang,” wika ni Simon kahit bakas sa tinig niya ang panginginig.
“o-oo, baka hangin lang,” pagsang-ayon ng nagsumiksik na si Karina.
“Nahulog ang minamanehong sasakyan ng stepdad niya sa isang inaayos na tulay. Dead on arrival sa hospital sina Emman at ang stepdad niya. Alanganin ding nanganak si Monique na ligtas naman sa panganib,” lumuluha nang patuloy ng guro. Walang tigil pa rin anfg pagbuhos ng ulan.
“Kung gano’n po, e bakit nandito sa Pisay yung notebook na ‘to?”
“Iniwan niya sa’kin yan bago mag-Christmas vacation no’n. Pinacheck niya yung mga composition niya,” humihikbing sagot ni Miss Letty. “Ipapakita niya raw sa kapatid niya. Ipaparinig niya. Pero di na niya nalaman. Itinabi ko na lang dahil di ko na ulit nakita si Monique matapos ang libing ni Emman. Lumipat daw sila sa Las Pinas. Pero di ko alam kung saan do’n”
“Pero bakit nando’n po ‘to sa may tambakan?” Gumuhit ang kidlat sa may bintana; matapos ang ilang saglit ay nakabibinging kulog naman ang dumagundong sa tahimik na kuwarto. Pasado alas-singko na.
“Isang linggo pa lang matapos ang libing, may mga pagpaparamdam nang dumating. Noong una’y kalmado pa ako dahil akala ko’y namamaalam lang si Emman. Pero tumagal ang mga pagpaparamdam. Madalas nagbabagsakan ang mga gitara—“
Naputol ang pagsasalita ng guro nang bumagsak ang tatlong gitarang malapit sa bintana.
“Ituloy niyo po.”
“Kapag hapon na, nagpapatay-sindi ‘yung mga ilaw. Minsan naggagalawan ang mga silya dito kapag nasa labas na ako’t pauwi na. Pero yung pagpaparamdam na talagang sumagad sa akin e nangyari mga isang buwan mahigit pagkatapos ng libing niya. Pauwi na ako no’n. Siguro mga ganitong oras din. Kakalock ko pa lang ng pinto at naglalakad na ‘ko nang makarinig ako ng isang pamilyar na kanta. Unti-unti kong narealize na galing yung tunog sa piano sa loob ng kuwarto. Alam ko yung kanta. Yun yung huling kanta sa notebook ni Emman. Napahinto ako sa paglalakad at mayamaya nakarinig ako ng ungol. May umiiyak. Si Emman. Nagsimulang lumakas ang piano. Parang galit yung tumutugtog. At biglang—“
“AAAAA!!!” Si Miss Letty.
“AAAAA!!!” Si Simon. May iba siyang nakita. Iba.
“Karma ba ‘to Karina?”
“Ewan ko. Hindi ko rin alam,” nakayukong tugon ni Karina sa kaibigan. Sakay sila ng isang puting sasakyan galing sa libing ng kaibigan. Sa libing ni Aldrine. Malakas ang ulan.
“Dahil ba du’n sa bata? Siya ba?”
“Simon pa’no kung siya nga?”
“Ako na ba’ng isusunod niya?”
“Wag kang magsalita nang ganyan.”
“Pero kung siya nga, ako na’ng isusunod niya.”
“Ano ba talagang nangyari? Hindi mo pa sinasabi sa’kin ang lahat ng nangyari.”
“ Aksidente ang lahat. Di ko rin alam kung pa’no nangyari yun pero nakandado namin yung pinto ng cr. Di na namin mabuksan. Ayaw naman naming humingi ng tulong sa guard. Baka kasi magsumbong yung bata pag nakalabas siya. Natakot kami. Umiiyak na yung bata sa loob. Sa ASTB yun. Di ba maliit lang yung cr dun?”
“Bakit niyo ginawa?”
“Hindi ko alam. Trip lang siguro pero nagsisisi na ako ngayon sa nagawa namin.”
“Pa’no siya namatay? Suffocation?”
“ Hindi ko rin alam. Maaga akong pumasok nung kinabukasan. Bago pa may dumating na janitor pumunta na ako do’n. Hindi na nakalock yung pinto kaya inisip kong baka nakalabas na siya. Pero pagkapihit ko pa lang ng knob, alam kong mali ang umasa pang buhay pa siya. Nakaamoy ako no’n ng bulok na kung ano,” napatigil si Simon. Tumigil na ang buhos ng ulan.
“Iba na ang itsura niya Karina. Iba na. Kulubot ang buong katawan niya. Hindi kop maintindihan pero may bakas ng takot sa mukha niya. Nakamulat ang mga mata niya. Parang may nakitang nakakatakot. Nakabukas ang bibig niya. Nandoon siya sa isang sulok, parang nagsusumiksik. At may iba akong nakita. Nakasulat doon. Parang carved. Tumakbo ako, natakot ako.”
“And after one month, patay na si Aldrine.”
“At ako na ang isusunod niya.”
“Wag kang magsalita nang ganyan.”
“Ako na. Ako na.”
Doon sa isang sulok ng Music room, nakatayo ang isang maliit na batang nakatitig kay Simon. Tulad ito ng nakita niya noon sa cr. Kulubot ang mukha. Pero hindi na takot. Galit. Galit na galit. May kasama siyang isa pang kung ano sa likod niya. Parang anino.
“SIMON!!! SIMON!!!”
“ Magbabayad silang lahat, yun yung nakasulat doon Karina. Pero bakit gano’n. More than two months na mula nung mangyari yun. Bakit di niya ‘ko kinukuha?Bakit ako pa yung hindi niya kinuha?”
“ Kalimutan mo na yung bata.”
“ Siguro dapat nga.”
“ Simon hindi yan yung bata. Iba yan. Iba na yan.”
“ Pero sino ‘to? Ano ‘to? Yung notebook ba?”
“ Pa’no kung yung notebook nga?”
“ Kilala ko na kung sino’ng tatanungin ko.”
“ Yung bata... Nandito na siya... Kukunin niya na ‘ko..”
“ Simon ano ba’ng tinitingnan mo?”
“ Yung bata. Yung bata.”
“ Si Miss Letty. Hinimatay siya. Parang may nakita siya. Simon, ano ba?!”
“ Bahala ka na kay Miss Letty. Yung bata kukunin niya na ‘ko,” unti-unti nang nabakas sa tinig ni Simon ang takot. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa pinto.
“Simon sa’n ka pupunta? Wag mo kaming iwanan! Simon! Simon!”
Tumakbo si Simon palabas ng kuwarto. Tumayo si Karina at susundan na dapat si Simon ang may makita siyang kung ano sa tabi ni Miss Letty. Isang bata. Duguan.
“ Ibigay niyo sa’kin yung mga kanta ko. Ibalik niyo sa’kin.”
“ Ikaw si Emman?”
“ Ibalik niyoang mga kanta ko. Sa kapatid ko yan.”
Bumalik sa kamalayan si Miss Letty at nakita ang dating estudyante.
“ Emman.”
“ Ma’am, yung mga kanta ko nasa’n na? Sa kapatid ko yan.”
“ Naiintindiahn ko na. Sige, ibibigay ko sa kanya. Ibibigay ko.”
“ Salamat po.”
Nagmamadaling tumakbo palabas ng kuwarto si Karina upang hanapin ang tumakbong kaibigan. Gabi na. Kaunti na lang ang tao sa campus. Madilim na ang buong 4th floor. Tahimik.
“Simon! Simon! Nasa’n ka na?”
Bumaba si Karina at nang makitang sarado ang 3rd floor, dumiretso siya sa pinakababa ng building. Walang gaanong tao. Pero may nagkakagulo. Doon sa gilid ng SHB. Maraming estudyante at mga janitor. May mga parating na guard.
Hindi... hindi... hindi...
Lumapit siya sa kaguluhan. Di pa man siya nakakalapit, alam na niya. Nasulyapan niya ang nasa gitna ng kaguluhan. Isang katawan. Duguan. Napaluhod siya. Umiyak siya.
Hindi... hindi... hindi...
Huminto lang sa pagtakbo si Karina nang makarating siya sa harap ng library. Doon nakita niya si Miss Letty, kausap ang photocopy lady.
“ O Karina ba’t humahangos ka?”
Hindi na nagsalita pa si Karina. Iniangat niya ang kanyang kamay at ipinakita sa guro ang hawak-hawak niya.
Nawalan ng malay ang guro pagkakita sa hawak ni Karina.
“ Miss! Miss! Miss!”


wanderer
jay sebastian fidelino
pisay
topaz
champaca
cesium
gluon
filjourn
january 2, 1992
green is my favorite color
seven (7) is my favorite number
music is my passion
i love writing as well
wishes
...happiness
...contentment
...director's list
...friends
...be able to perform big (sing or act or dance or whatever)
...pass the UPCAT
...be a famous writer or journalist
...be a famous performer
...i want to be happy
connections

*Other Blog* Kyou Kara Maou* Reinier* Ian* Angel* Vic* Aly* Paula*Gen* Giselle* Philip* Reinier-Karina* Aaron* Tricia* Joy* Non* Cp* Marko* Pau* Textmates* Jill* Livejournal Ko* Arbet Someone* Monica* Bianca Gonzalez* Jejo* Sir Martin* Inquirer* Cool na Blog ni Giselle* Multiply Ko* Lagablog* Angelica* Philip* Yssa* Sarah* Max* Desa*

discuss

memory

filjourn
la salle
books
songs
issue
the great escape
mythmakers
sayaw interpretasyon
lagablab
funny
quote from james
jokes
on heaven and hell
greenpeace
bloggers kapihan
journalism
presscon
my inferno
lathalain
pisay reviews
upcat
dumbledore
a condition of vulnerability
kyou kara maou theme
the river
flavor of the weak
labo
four
nikki's story
horror story
pic
monologue part 5
monologue part 4
monologue part 3
monologue part 2
monologue part 1
who
credits to kailanime
brushes:portfelia,