<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=2510236921371027760&amp;blogName=imj&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fimjsf.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fimjsf.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Kyou Kara Maou-God Save Our King!

Saturday, March 10, 2007
Mahiwagang Monologue Part 5

Hindi ako naniwala.. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala... Hindi yon magagawa ng taong ginawa ang lahat para lang maipagtanggol ang Damascus.. Wala na 'kong ga'nong maalala no'n.. Basta sinugod na 'ko ni Gwendal... Tapos hinarang siya ni Armo... Naglaban sila... Nando'n lang ako, tulala.. umiiyak... Hanggang sa matalo na rin ni Gwendal si Armo... Pati si Yozak... Pati si Draco.. Sugatan silang lahat... Wala akong ginawa... Hinamon niya 'ko pagkatapos.. Habang sinusumbat niya sa'kin lahat ng hirap na sinapit niya para lang mabuhay ako noon, habang pinapamukha niya sa'kin kung pa'no siya kamuntikang itakwil ng Damascus noon dahil sa muntik nang mapahamak ang buhay ko, kung pa'nong habang inililigtas niya 'ko ay namatay ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, kung pa'nong sinumpa niya mula noon na gagawin niyang lahat para maipaghiganti sa'kin ang pagkamatay ni Julia, ang sana'y mapapangasawa niya pagkatapos ng giyera, nando'n ako umiiyak... Inilabas ko no'n ang kuwintas na binigay niya sa'kin... Nagulat siyang nasa 'kin pa yun.. Parang nag-panic... Sinugod na niya 'ko... Pero... nu'ng malapit nang tumama yung espada niya sa dibdib ko... Tinulak ako ni... Yael... Nagulat akong may lakas pa siya para gawin yon... Namatay siya para sa'kin... Nawala siya para lang mabuhay ako... No'n din sumigaw si Armo na ilagay ko yung pendant ng kuwintas sa espada, du'n sa... walang laman... (Unti-unti nang titigil sa pag-iyak) Ginawa ko yun.. pero wala na 'kong maalala pagkatapos no'n.. Nagising na 'ko sa kuwarto ko sa palasyo.. Kinuwento na lang nila sa'kin ang mga nangyari. Pagkatapos ko raw ilagay yung pendant sa espada, lumiwanag... Nag-iba raw itsura ko.. kamukha nu'ng nandu'n sa portrait na 'yon. (Ituturo ang portrait sa kabilang dulo ng kuwarto. Papahiran rin niya ang mga luha sa pisngi niya.) Noon daw, natakot na lahat ng mga soldiers ng Sierra Leone. Nagkaroon daw ng maraming shadow na nakakagalaw. Sumunod daw sila sa inutos kong tapusin lahat ng mga kalaban.. Noon din daw, kinalaban ko si Gwendal. Takot na takot daw siya no'n pero parang wala akon nakikita. (Tatahimik nang medyo matagal.) Pinatay ko raw siya. Nagsi-alisan na rin daw kahit yung mga taga-Sierra Leone sa ibang mga parte ng Damascus. Inatake silang lahat nung mga shadow creatures na sumusunod sa'kin. (Titingin kay Gian nang medyo matagal habang walang sinasabi. ) Astig sana lahat, kung hindi lang namatay si Gwendal. Kung nakontrol ko lang sarili ko no'n. (Bubuntong-hininga at tatahimik nang matagal.)

Naayos na lahat mula no'n. Unti-unting bumalik sa dati ang Damascus. Nakipagkasundo na rin ang Sierra Leone, siguro dahil sa takot. At bukas, opisyal nang ako na'ng magiging hari ng Damascus. Ako na'ng haharap sa lahat ng responsibilidad na dating hawak ni Lady Flynn. Pero ako, sisiguraduhin kong hindi na mauulit lahat ng mga nasaksihan kong pangyayari. Di na 'ko papayag na mawala sa'kin lahat ng mahalag sa'kin. Hindi na puwede yo'n. Ayoko na. (Tatahimik)

(Iaangat ni Yuuri sa ibabaw ng kristal ang kamy at muling bubulong ng mga inkantasyon hanggang umilaw ulit yung kristal nang panandalian. Pagkatapos no'n, ibabalik niya ito sa cabinet at mahihiga sa kama. Hawak-hawak at tila kausap si Gian, magsasalita siya.)
Pero ayos na. Sigurado naman akong hindi ako papabayaan ni Armo at ni Draco. Pero Hindi na ako papayag na lagi na lang akong pinagtatanggol ng mga tao sa paligid ko. Lalaban na 'ko. (Pipikit si Yuuri at ilalapag si Gian sa tabi niya.)

(Pagkatapos ng ilang segundo'y may maririnig na katok mula sa bahgyang nakabukas na pinto. Babangon si Yuuri at magsasalita habang papalapit sa pinto.) Maiwan na muna kita Gian, kelangan na ;ko sa baba ni Armo.

(Pagdating sa pinto'y tila may maaalala't tatakbo pabalik sa kama. Sa ilalim ng isang unan ay may kukunin. Hahawakan niya ito nang mahigpit sa kanyang kanang kamay. Pupunta siya sa bintana. Titingnan muna nang ilang segundo ang hawak at saka ito ibabato nang malakas sa bintana. Pagkatapos ay tatakbo palapit sa pinto. Bago isara ang pinto'y magsasalita muna si Yuuri.) Bay! (Isasara ang pinto.)

Kadiliman.


wanderer
jay sebastian fidelino
pisay
topaz
champaca
cesium
gluon
filjourn
january 2, 1992
green is my favorite color
seven (7) is my favorite number
music is my passion
i love writing as well
wishes
...happiness
...contentment
...director's list
...friends
...be able to perform big (sing or act or dance or whatever)
...pass the UPCAT
...be a famous writer or journalist
...be a famous performer
...i want to be happy
connections

*Other Blog* Kyou Kara Maou* Reinier* Ian* Angel* Vic* Aly* Paula*Gen* Giselle* Philip* Reinier-Karina* Aaron* Tricia* Joy* Non* Cp* Marko* Pau* Textmates* Jill* Livejournal Ko* Arbet Someone* Monica* Bianca Gonzalez* Jejo* Sir Martin* Inquirer* Cool na Blog ni Giselle* Multiply Ko* Lagablog* Angelica* Philip* Yssa* Sarah* Max* Desa*

discuss

memory

filjourn
la salle
books
songs
issue
the great escape
mythmakers
sayaw interpretasyon
lagablab
funny
quote from james
jokes
on heaven and hell
greenpeace
bloggers kapihan
journalism
presscon
my inferno
lathalain
pisay reviews
upcat
dumbledore
a condition of vulnerability
kyou kara maou theme
the river
flavor of the weak
labo
four
nikki's story
horror story
pic
monologue part 5
monologue part 4
monologue part 3
monologue part 2
monologue part 1
who
credits to kailanime
brushes:portfelia,