Kyou Kara Maou-God Save Our King!
Tuesday, March 6, 2007
Mahiwagang Monologue Part 2
YUURI
Haaay Gian (kinakausap ang teddy bear)... Tinatamad na 'ko dito. Bukas na yung coronation pero parang walang thrill sa'kin. After all, coronation lang naman yun. Ceremony lang. Kung ikukumpara sa mga nangyari the past months, masyadong boring yun kung tutuusin. Pero at least, senyales yon na slowly recovering na ang Damascus. Halos tapos na rin lahat ng mga nasira no'ng giyera. (Sandaling mananahimik)
Parang ambilis 'no Gian? (Babangon sa pagkakahiga at mauupo sa dulo ng kama. Magsasalitang tila kausap pa rin ang teddy bear habang nakatingin sa kawalan.) Ibig kong sabihin, lahat. Andamingnangyari in a span of less than five months. Yung otherwise simple rule ko sa kahariang 'to e naging napak-complicated dahil sa giyerang 'to. Andaming nawalang buhay, di lang sa side natin. Pati na din sa side nila. (Yuyuko, halata ang lungkot sa mukha.) Si Gwendal. Si Draco. (Bubuntong-hininga) Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Si Gwendal, pinagtaksilan ako ni Gwendal. Of all people, siya pa. Si Gwendal, si Gwendal na nagligtas ng buhay ko dati, no'ng nasa panganib pa ang Damascus. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung ano'ng posibleng dahilan niya para gawin yon. (Ilalapag si Gian sa tabi ng larawan sa ibabaw ng cabinet at tatayo.)
Gian, muntik ko nang malimutan. Sabi nga pala ni Yael kelangan ko ngayong magsulat sa Lunar Diary ko. Matagal na rin nu'ng una kong ginawa yon. Noon pa yun, bago pa kami tumuloy sa Ceylon nila Yael at Armo. Tapos wala pa 'kong ga'nong naisulat no'n kasi masyado pa 'kong na-excite sa nakita ko. (Iikot si Yuuri sa kabilang gilid ng kama kung saan nandoon yung cabinet. Bubuksan niya yung pinakailalim na drawer at ilalabas mula doon ang isang transparent na bolang kristal na tila sa loob ay naglalaman ng puting usok. Ilalapag niya sa kama, katabi ng teddy bear, ang kristal at mauupo sa harap nito.)
Ayan Gian, puwede na 'kong mag-start. (Ipapatong ni Yuuri ang kanan niyang kamay sa ibabaw ng kristal habang bumubulong ng mga salita na tila galing sa ibang lengguwaheng di maririnig sa Earth. matapos bigkasin ang mga weird na salita, sandaling maglalabas ng dilaw na ilaw ang kristal at babaliksa dati nitong itsura. Magsasalita si Yuuri habang nakatingin sa kristal.) Pa'no ko ba 'to sisimulan? Maglilimang buwan na mula nang dalhin ako sa Dmascus ng kapangyarihan ni Lady Arya upang tumulong sa lumalalang sitwasyon dito Ika-pitong buwan, araw ng Puting Kidlat, ika-364 na dantaon sa kalendaryong Damasco. Yun yung petsa nu'ng napunta ako dito. Sa'min, July 12, 2006 yun, birthday ni Arianne. (Titingin kay Gian.) Gian, kung kakalimutan natin yung power ni Lady Arya, ikaw yung may kasalanan nito. (Ibabalik ang tingin sa kristal. Gumagalaw at tila nadadagdagan ang puting usok sa loob nito.) Naglalakad ako no'n across the field papuntang gym. Kelangan ko kasing kausapin si Ma'am Crisostomo tungkol sa Himig. Hindi ko naman namalayan nailaglag ko pala (titingin kay Gian) yung teddy bear ko. Nu'ng time na yon, medyo madilim na yung langit. Nu'ng pabalik na 'ko, tsaka ko pa lang na-realize na nawawala si Gian. Hinanap ko siya sa dinaanan ko. Nagsimula nang umambon nu'ng makita ko siya sa gitna ng field. E ako si tanga, kahit umuulan na e tinakbo ko pa rin si Gian. Ayun, nakidlatan nga ako. Paggising ko nandito na 'ko sa kuwartong 'to. Nasa tabi ng kama ko sila Yael, Draco, at Lady Flynn, kasalukuyang reyna ng Damascus. Noon ko nalaman yung totoo kong lineage. Ganito pala yon. More than 15 years ago, lumaban din sa guyera ang Damascus pero noon laban sa Mozambique. Dahil in danger ang buong kaharian, inatasan ng High Priestess si Gwendal na dalhin ang kaluluwa ng susunod na leader ng Damascus sa safe na lugar, which is Earth nga. Ibang dimension ang Earth and sa tulong lang ng High Priestess kaya nakatawid si Gwendal kasama nga yung kaluluwa ko. Doon, hinintay niyang mapanganak ako para ma-ensure na safe ako tsaka responsable yung mga magiging maghulang ko sa Earth. E ayun, buti naman matino parents ko. Ang naging problem lang no'n e inabutan si Mommy sa daan nu'ng manganganak na siya. Nandu'n no'n si Gwendal kaya tinulungan niya si Mommy papuntang hospital. Iniwan niya rin kay Mommy 'to (Dudukutin ni Yuuri sa loob ng suot niya ang isang pendant na kulay blue). Kaya yun, bumalik na rin si Gwendal dito sa Damascus. Nga pala, kaya ako dinala pabalik dito kasi ako lang daw, bilang reincarnate daw nung Demon Hero nung creation ng dimension na 'to, yung makakakuha nung Demon Sword. Nasa Ceylon yun, island south ng Damascus. Nandu'n daw sa tawag nila e Deemon Spring sa gitna nu'ng island.